Description
Written by: Rhandee Garlitos Illustration by: Kinomi K. Mariano
Bumaliktad ang mundo ni Joko sa isang iglap. Nakahanap ng mas magandang tirahan ang kanyang pamilya, at kailangan na nilang lumipat sa Sityo Bagbaguin. Kailangan niyang iwanan ang kanyang mga kaibigan at ang nakasanayang kapaligiran. Samantala, sa Sityo Bagbaguin, kinakaibigan ni Yunabelle ang mga nakikita niyang hayop dahil wala siyang makalaro. Kaya lang, palaging hindi sila puwedeng sumama sa kanya. Makikita ba nina Joko at Yunabelle ang kailangan nila para maging masaya?