Description
Written by: Eugene Y. Evasco Illustration by: Brent Sabas
May kakaibang lakad ang mag-ama sa umagang iyon. Hindi sila magbabakasyon o pupunta sa mga sikat na lugar. Pareho silang mageehersisyo— maglalakad, tutulong sa pag-iigib, at magsasayaw sa parke. Hatid ng aklat ang positibong pagtingin sa ehersisyo na kaakibat sa malusog na pangangatawan at pag-iisip. Naglalaman din ito ng mga modelo na maaaring tularan ng mambabasa kaugnay sa fitness at aktibong pamumuhay.