Description
Written by: Periwinkle Cajuiat Illustration by: Arnold Renia Cruz
Si Binibining Bettina Bote ay puno ng inuming gustong gusto ng mga tao. Napaisip siya kung ano ang maaaring mangyari kung tuluyang maubos ang kaniyang laman. Samahan si Binibining Bettina Bote sa pagtuklas ng sarili at ng isang mahalagang katotohanang maaaring makapaghatid ng pag-asa sa mga batang mambabasa.