Description
Written by: Genaro R. Gojo Cruz Illustration by: Alma Quinto
Masuwerte ang asul na kariton para sa dalawang magkapatid. Kapag may baha, ginagawa nila itong bangka. Kapag gusto nilang magpahinga, sasakay sila sa kariton, at mag-isa itong aandar sa papalusong na daan. Kahit bako-bako ang daan, kaya nitong maging matulin. Maghihiyawan ang magkapatid na parang makakalas ang bawat bahagi ng kariton. Pero alam naman nila na matibay ang asul na kariton.